Unang pagpunta sa ADD Convention Center.
Ito ang buong kuwento na kung saan ay una akong nakapunta sa Apalit at unang beses nakadalo ng kanilang Pasalamat ng Buong Kapatiran ng ADD.
Disyembre 21, 2006. - gabi sa Lokal ng Libertad, pumunta ako sa lokal at doon ko hihintayin si Brix para pag usapan kung saan kami magkikita sa Apalit. naghintay ako ng mahigit 30 minutos ngunit wala siya kaya nagpaalam ako sa nag aasikaso ng attendance ng lokal na aalis na ako at sinabi na sasabay ako sa mga kalokal niya sa bus bukas ng umaga. nagkita kami ni Bro. Brix noong paalis na ako sa lokal na yun dahil sa akala ko hindi siya dadating para sumamba. kasi doon siya laging sumasamba tuwing Prayer Meeting kahit hindi talaga siya nakatala doon kasi malapit sa kanyang apartment yun. nakita ko siyang nakadamit na berde at nakasalamin at maayos ang kanyang suot dahil ito'y plantsado. nakita ko siyang paakyat patungo sa lokal ngunit tinawag ko at nakita niya naman ako. sinabi ko sa kanya na aalis na ako kasi gabi na at hindi ako puwede pagabi. naunawaan niya at bago ako umalis ay binigyan niya ako ng isang coupon para sa libreng pagkain. at tagubilin niya ay magkikita kami sa Apalit sa ikalawang araw ng kanilang Pasalamatan ng Buong Kapatiran at pupuntahan na lang kung saan nandon ang mga taga lokal ng Libertad.
Pagkagaling sa bahay, agad akong nag impake ng mga dapat kong dalihin: banig, mga damit, kumot, sipilyo, toothpaste, sabon, notebook at bolpen dahil 2 araw ang Pasalamatan nila kaya dapat kung dalhin ang mga bagay na yun kasi doon ako matutulog.
Bago matulog ay nanalangin ako sa Dios at humiling na sana ay matakasan ko mga magulang ko kasi alam kong hindi sila papayag kapag sinabi kong pupunta ako doon. humiling din ako na matagumpay akong makasakay sa bus at makabalik mula sa Apalit ng buhay at walang nangyaring kapahamakan sa akin.
Disyembre 22, 2006 - nagising ako ng 5 AM at hinintay ko ang mama at papa ko na umalis ng bahay. mga 6 AM ay umalis na ang mama ko patungo sa iskuwelahan at ang papa ko ay umalis para majogging at makipagkita sa mga kumpare niya na kasama sa jogging. dyan ako nagkaron ng tsansa na umalis agad kasama ang mga inimpake ko at pagkaalis ay naligo, kumain, nagbihis at nag iwan ng note sa kuwarto ng mga magulang ko na mawawala ako ng 2 araw kasi nasa Apalit ako.(kasi wala pa akong mobile phone noon)
pagkabihis ay nanalangin ako sa Dios na sana matagumpay akong makapunta sa Apalit. paalis na ako ay bigla na lang lumabas ang kuya ko at nagyosi break for a while. sabi ko sa sarili ko "May humahadlang sa magandang plano ko na pumunta sa teritoryo ng mga banal na tao" kaya nanalangin ulit ako sa Dios sa pamamagitan ng isip at puso na paalisin siya sa daan palabas ng bahay namin.
WOW! pagkapanalangin ay umalis na agad ang kuya ko at pumasok sa bahay niya (kasi magkatabi ang bahay namina at ng sa kanya) at doon nagkaron ng tsansa na umalis agad. nagtatakbo pa ako kung sakaling marinig ang pagsara ng gate at lumabas ay hindi na akong makikitang umalis. wow! sabi ko sa sarili ko "Thank you Lord! haha!" at sumakay ng jeep at LRT papunta sa lokal ng Libertad.
pagkaapak ko sa Libertad ay agad muna akong nagpahinga pansamantala sa Mc Donalds dahil sa pagod ng pagtakbo ko nung umalis sa bahay. pagkatapos nito ay pumunta ako sa lokal at laking gulat ko na hindi pala sa lokal ang hintayan kundi malapit sa Cuneta Astrodome. kaya agad akong sumakay ng jeep papunta doon.
Laging gulat ko, wala pa mga taga Libertad at ako palang ata ang nauna kaysa sa kanila kaya ginawa ko ay nahintay ng mga 30 minutos. pagkatapos nito, inakala ko ay naiwan na ako kaya ako'y nagsisigaw at nagagalit sa Dios sa akala kong niloko ako na papayag siyang pupunta ako sa Apalit. gusto ko na sanang umalis pauwi ng bahay ngunit naisip kong pagtatawanan ako sa bahay pagnalaman nilang naiwan ako ng bus kaya hintay ako ng mga 20 minutos at wala pa rin. nainis na ako, nagalit na ako sa Dios sa akalang niloko ako. pauwi na ako ngunit sa loob ay pinipigilan ako na para bang nagsasabi na hindi ako naiwanan at niloko ng Dios kaya ginawa ko ay lakad ako ng lakad sa mga lugar na katabi ng Cuneta Astrodome at pasilip silip kung may mga ADD members nang naghihintay doon. hanggang sa may nakita akong 2 matandang manang na nag uusap at may dalang gamit. A thought came into my mind na ADD members ngunit duda ako baka ako lang nagsasabi nito sa sarili ko at baka dahil na rin sa trying hard na maging optimism kahit akala ko naiwan na ako. tinanong ko sila kung saan pupunta at sabi nila "sa Apalit, magpapasalamat kami" ayun natuwa ako dahil may kasama na akong maghihintay sa bus at nawala ang nasa isip ko na niloko ako ng Dios.
pagkatapos nun ay sinabi kong "sasabay ako sa inyo kasi doon punta ko at pumayag sila" mag aalas diyes na nung dumating ang bus na papunta sa Apalit. kasama sa dumating ang diakono at diakonesa ng lokal ng Libertad. agad akong pumasok sa bus at iniwan ang gamit para magpatala. hiningan ako ng bayad ngunit nasabi ko na sa 2 matandang manang na ADD na hindi ako ADD member kaya hindi nila ako nahingan ng bayad. malapit na kaming umalis papunta sa Apalit at bago umandar ang bus ay kinausap ako ng diakono pagkatapos magcheck ng attendance kasi nalaman niyang ako lang ata ang hindi ADD member. tinanong ako kung sino nagyaya sa akin na pumunta sa Apalit at sinabi ko "Si Bro Brix po" tinanong ako ng diakono "taga saang lokal kasi hindi siya nakatala sa Libertad?" sabi ko "sa Munoz po" hmm pagkatapos kong sumagot ay hiningi ng diakono ang cell number ni Bro Brix ngunit since wala pa akong cellphone noon ay hindi ko naibigay ang cell number niya at hindi ko rin alam.
pagkatapos nito ay nakipag usap ako sa 2 nakitang ko ADD member na manang na matanda na at pinag usapan mga dahilan kung paano sila naging member at lagay nila bilang kaanib sa MCGI. then nakipag usap din ako sa isang kabataan na pangalan ay "Kurt" noong pagkatapos ko silang kausapin at nasa biyahe na kami nun at yun din ang mga pinag usapan namin.
Pagkatapos nito, nakatulog na si Kurt at tinitignan ang mga tanawin habang umaandar ang bus. hanggang sa nakarating kami ng Apalit.
Nakaramdam ako ng malaking kagalakan kasi sa unang pagkakataon ay nakarating ako sa teritoryo ng mga banal na tao at masasaksihan kung paano sila magpasalamat kapag ito'y buong kapatiran na.
pagkapasok sa compound ay nakita ko mga choir members na nag aawitan at nakakalat sa buong compound mula ibaba hanggang sa mga bleachers.
nagpasya akong pumunta sa bleacher na nasa kanang bahagi at doon ko nilatag ang banig ko. nagpaalam ako sa 2 taga lokal ng Libertad na kakain lang ako sa labas kahit na pinipilit akong makisalo sa kanilang pagkain.
pagkakain ay sabay na rin akong umawit ng mga awit sa himnario at nanalangin kasama mga ADD members. pagkatapos ay nagbigay bati mga MIC's na sina Bro. Mel at Bro. Rolan sa mga ADD members, visitors at sa mga anghel ng Dios at sabay sigaw ng "Maligayang Pasalamat ng Buong Kapatiran mga kapatid!!!!" sabay sigaw mga ADD members na "YEAH!!!!" palakpakan sila. at pagkatapos nito ay nagsimula si Bro. Mel na ipakilala ang unang paksa ng Pasalamatan:
Pinakadakilang bagay ng kaligtasan na hindi alam na ipaliwanag ni Kapatid na Eli Soriano ngunit malalaman ng maliligtas na mga kaanib sa Iglesia ng Dios.
This topic dont interests me kasi Katoliko ako kaya pinasya kong maligid ligid sa loob ng ADD Compound na hanapin si Bro Brix ngunit hindi ko siya nakita.
maghahapunan na, hindi ko pa rin siya nakita at pagkatapos nito ay nagkaron ng sayawan. UY ang sarap sumayaw with ADD members at nakaramdam ng malaking katuwaan at kagalakan habang ginagawa yun.
at pagkatapos ay nagpaksa ulit at si Bro. Eli ang magpapaliwanag. kaya alis ulit ako at ginamit ang chance na hanapin si Bro. Brix ngunit bigo ako hanggang sa matapos ito at nagkaron ng panalanging pagtatapos sa unang araw ng Pasalamatan.
pagkatapos nito, agad akong nagpalit ng damit, nagsipilyo at naghilamos ng mukha at bago matulog ay nagpasalamat sa Dios dahil sa matagumpay akong nakapunta sa Apalit.
Disyembre 23, 2006 - Nagising akong masayang masaya dahil sa naramdaman ko ang sarap ng lamig ng hangin sa katawan. nagdasal ako sa Dios sa bagong araw na ito na binigay sa akin. agad akong nag almusal at pagkatapos ay sumamang nagsasayaw with ADD members. pagkatapos pag uumpisa ng ay ikalawang paksa: Pinakadakilang hiwaga sa kasaysayan ng pagkalalang sa tao na ipinanukala ng Dios na lalangin ayon sa kanyang larawan at wangis ayon sa Biblia.
This topic interests me kasi dapat din malaman ko rin kahit hindi ako banal kung ano ang bagay na ito. kahit ako'y hindi banal at taga sanlibutan ay pareho lang kami ng mga ADD members na naniniwala sa Dios at Cristo na parehong lumikha ng mundo at sangkalangitan.
I take down notes at nag lunch break. hindi ko nagamit ang coupon na binigay sa akin ni Bro. Brix but nakakuha ako ng isa pang coupon for free food. ang sarap ng libreng pagkain sa lunch. pansit at kanin.
pagkatapos ng lunch, hinanap ko siya sa buong compound ngunit hindi ko siya nakita. kaya bumalik ako kung saan nakalatag ang banig ko. para mawala ang lungkot ko sa hindi paghanap kay Brix. nakipag usap ako sa 2 dalagang ADD member, 1 lalaking ADD member at nagshare ng mga kuwento paano kaming naging PRO ADD.
pagkatapos, again, sawayan nanaman, ang saya! grabe at pagkatapos ay paksa at nagtake down notes hanggang sa dumating ang paglubog ng araw at hapunan na. pagkatapos ng hapunan using free coupon na pinilahan ko ay paksa ulit then try ko ulit hanapin si Bro Brix for the last moment but failed. pagkatapos nagpasya akong magtake down notes ng paksa hanggang sa dumating ang pangwakas na panalangin at uwian na.
December 24, 2006 - Madaling araw
Nakita ko gaano ang dami ng ADD members nung uwian na. NAKU PO! DAMI talaga as in na nagkasiksikan. dyan makikita natin na hindi totoo ang claim ng mga Iglesia ni Cristo na nag aalisan na mga ADD members at umaanib sa INC. (nag day dream pa sila hahahaha!)
matagumpay akong nakalabas ng compound na kasama ang 2 matanda na unang kong nakita sa Araneta.
kahit pala sa pagsakay ng bus talagang siksikan na naging dahilan sa McArthur High Way sa dami ng mga banal na nag uuwian.
ngunit matagumpay akong nakapasok sa bus na yun din ang sinakyan ko at matagumpay na nakauwi.
Umaga ng December 24 at Disperas ng Pasko ng mga Katoliko at Protestanteng taga sanlibutan na nakauwi ako.
agad kong kinuwento ang nangyari sa Apalit sa mga magulang ko at pagkatapos ay tulog agad hanggang tanghali. pagkagising ay nanalangin at nagpasalamat sa Dios na pumayag siyang makasama ang mga banal sa pagpapasalamat at sa pagpunta sa HQ ng mga banal na makita ko ang buong lugar nito.
halong sobrang tuwa at dismaya. una ako'y masayang masaya sa dahil nakapunta ako sa HQ ng mga banal at nakasama ko silang magpasalamat sa Manlalalang. dismaya kasi hindi ko nakita si Bro. Brix.
Ano man ang dahilan niyo Panginoon, ok lang kung bakit hindi ko siya nakita. ang mahalaga ay nakapunta ako sa Apalit at nakapagpasalamat kasama mga ADD members.
Itong pagsamba na ito ang pinakamasaya at pinakakalugod lugod sa Dios kasi kahit taga sanlibutan pa lang ako ay naramdaman ko ang Espiritu Santo na dumabalot sa buong compound at habang paksa at pagsamba.

yan ba ang banal sa harap ng DIYOS?/ PASALAMATAN, MAY SAYAWAN, habang nag aaral ng salita ng DIYOS EH MAY NAGK2ntuhan at nagkakaninan?? hindi ba pag lapastangan sa harap ng DIYOS? Parang ginwa nlang pyesta ng KATOLIKO ang Pasalamatan ng ADD.. ANg Dumi tingnan.
Posted by: BINHI | February 21, 2008 06:33 PM
sabihin nyo po na kulang kulang kami sa gamit at marumi pero completo at eksakto and aral na tinuturo po sa amin .
1 Corinthians 13:5-8
Salamat na rin po sa pag comment mo lalo no lang pinapadami ang nagtatanung kay Bro Eli.
Posted by: johnb1 | February 29, 2008 09:09 AM
Inyong pakingggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroroonan ng aking kautusan; huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.
ISAIAS 51:7
expected na namin ang mga pang-uusig at panglalait na magmumula sa mga tao. kaya kahit ano pang sabihin ninyo kami'y magpapatuloy sa aming pagpapasalamat sa Dios.
Aral ang batayan ng tunay na Iglesia at hindi ang mga bagay-bagay na pangsanlibutan.
I am a PROUD member of Church of God.
Posted by: vince | April 1, 2008 08:11 PM